Malawakang pagbabakuna laban sa COVID-19, uumpisahan ngayong araw ng Muntinlupa LGU

Sisimulan ngayon araw ang malawakang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa lungsod ng Muntinlupa na tatagal hanggang sa October 8.

Ayon sa Local Government Unit (LGU), layunin nito na ilapit ang bakuna sa iba’t ibang komunidad gaya ng palengke, terminals, simbahan, mga paaralan at opisina.

Ipinaliwanag ni Mayor Ruffy Biazon na mahalaga sa bawat residente na samantalahin ang pagkakataon na ito upang lalong mabigyan ng proteksyon laban sa COVID-19.


Nagsagawa rin ng motorcade ang City Health Office sa buong lungsod ng Muntinlupa sa pamumuno ni Dr. Juancho Bunyi kasama ang barangay health officers.

Ito ay bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ilalim ng “Pinas Lakas” campaign.

Batay sa datos ng City Health Office nitong August 11, mayroon na silang mahigit 517,000 fully vaccinated individuals kontra COVID-19.

Facebook Comments