Malawakang pagbabakuna sa mga menor de edad sa NCR, umarangkada na

Sinimulan na ngayong Martes ang general COVID-19 pediatric vaccination sa mga edad 12 hanggang 17 sa ilang lugar sa Metro Manila.

Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Head at Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje, mas maaga ito nang 1 araw sa November 3 na pagsisimula ng malawakang COVID-19 pediatric vaccination.

Aniya, ipapaubaya na sa mga Local Government Unit (LGU) kung babaguhin ang istratehiya ng pediatric vaccination basta nasusunod ang unti-unting pagpapalawak nito.


Kinumpirma rin ni Cabotaje na umabot na sa 37,964 na kabataan na may comorbidity ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Target ng Pilipinas na mabakunahan ang 77 milyon ng populasyon sa bansa para makamit ang herd immunity kontra COVID-19.

Facebook Comments