Ikinakasa ngayon sa Palacio de Maynila ang malawakang pagbabakuna sa mga seafarer.
Bahagi ito ng vaccination program ng national government katuwang ang lokal na pamahalaan ng Maynila.
Nasa 2,000 seafarers ang target na mabakunahan kung saan ang iba sa kanila ay madaling araw pa pumila para makapag-avail ng libreng bakuna.
Kinakailangan lamang na ipakita ng isang magpapabakuan dito ang kaniyang seaman’s book na patunay na isa siyang seafarer gayundin ang kanilang QR Code at waiver bilang patunay naman na sila ay nagpa-rehistro.
Ang pagbabakuna ng mga kababayan nating seaman ay bilang requirement na rin para muli silang makapaglayag o makasakay sa barko.
Nagsimula ang pagbabakuna kaninang alas-6:00 ng umaga na magtatapos mamayang alas-8:00 ng gabi.
Isinagawa rin ang maikling programa sa loob ng Palacio de Maynila na pinangunahan ng ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Maynila at ilang kalihim ng pamahalaan.