Malawakang pagbaha, pinakamalaking hadlang sa restoration ng supply ng kuryente sa mga lugar na sinalanta ng bagyo —DOE

Iginiit ng Department of Energy (DOE) na ang malakawang pagbaha ang pinakamalaking hadlang sa agarang pagpapanumbalik sa suplay ng kuryente sa mga lugar na sinalanta ng bagyo at matinding pag-ulan.

Ayon kay DOE Undersecretary Felix William Fuentebella, kahit handa o nakapwesto na ang mga line man at kagamitan matapos humupa ang masamang panahon ay naantala pa rin ang trabaho dahil sa lubog na kalsada, nakalubog na electrical equipment at banta ng electric fusion.

Aniya, hindi pwedeng madaliin ang pagbabalik sa kuryente kung may panganib sa buhay o posibilidad na may mas malaking pinsala pa ito.

Bukod sa kuryente apektado rin ang operasyon ng mga gasoline station tuwing baha dahil hindi makapasok ang mga empleyado at may panganib sa kaligtasan ng mga customer.

Matatandaan sa datos ng Meralco, limang araw bago lumabas ang bagyo mayroong 500 kabahayan pa ang walang kuryente sa mababang lugar gaya sa Bulacan dahil hindi pa rin humuhupa ang baha.

Sa Pangasinan naman, umabot ng hanggang limang araw ang brownout sa ilang lugar dahil hindi makapasok ang repair team para sa mga binahang lugar.

Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kailangang tugunan ang pagbaha hindi lamang para sa agarang recovery kung hindi bilang bahagi npangmatagalan solusyon at pagpapalakas ng bansa laban sa sakuna.

Facebook Comments