Nagpakalat ng pwersa ang Philippine National Police (PNP) para sa nakakasang malawakang kilos protesta ng Kapa Community Ministry sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong araw.
Ayon kay PNP spokesman Police Colonel Bernard Banac, nakaalerto ang kanilang hanay para bantayan ang prayer rally at noise barrage ng grupo.
Sisikapin aniya ng PNP na maging mapayapa ang aktibidad at sakali mang magkaroon ng tensyon ay papairalin nila ang maximum tolerance.
Hinikayat niya ang mga miyembro ng Kapa na kumuha ng permit at makipag-ugnayan din sa kanilang local police.
Batay sa anunsyo ni Danny Mangahas, convenor ng Ahon sa Kahirapan Movement, gagawin ang pagkilos ng Kapa sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil target nilang ipakita ang kanilang pwersa.
Panawagan din nila kay Pangulong Duterte na magkaroon ng reinvestigation at huwag ipasara ng tuluyan ang Kapa.