Cauayan City – Nagsagawa ng malawakang clearing operations sa lungsod ng Cauayan kahapon, ika-13 ng Nobyembre.
Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa Executive Order No. 55 series of 2024 na inilabas ng LGU Cauayan kung saan pansamantalang sinuspende kahapon ang pasok sa pribado at pampublikong paaralan maging ang mga government offices upang bigyang daan ang gagawing pagkukumpuni at paglilinis ng iniwang kalat at pinsala ng bagyong Nika.
Dahil sa malalakas na paghampas ng hangin, maraming mga puno at poste ang natumba, at mayroon ring mga establishimiyento at kabahayan ang bahagyang napinsala.
Ang isinagawang clearing operation and rehabilitation ay pinangunahan ng LGU Cauayan, katuwang ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at mga Barangay Officials.
Samantala, marami paring barangay sa Lungsod ang wala pa ring suplay ng kuryente kaya naman puspusan rin ang ginagawang pagkukumpuni ng Isabela Electric Cooperative 1 sa mga poste at kable na nasira dahil sa bagyo.