
Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Budget and Management (DBM) at sa bagong liderato ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang masusing pagsusuri at pagrerebisa ng DPWH budget na nakapaloob sa panukalang 2026 National Expenditure Program (NEP).
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), layon ng utos na tiyakin ang transparency, accountability, at tamang paggamit ng pera ng bayan.
Pinatitiyak din ng pangulo na ang pondo ay mapupunta lamang sa mga proyektong pang-imprastraktura na tunay na makikinabang ang sambayanang Pilipino.
Nauna nang kinumpirma ni Pangulong Marcos na may mga “insertions” o isiningit na pondo pa rin sa proposed budget ng DPWH.
Nakadidismaya aniya ang sitwasyon lalo na’t lumalabas na mas marami pang anomalya ang nadidiskubre habang hinahalukay ang mga flood control projects ng ahensya.









