Sisimulan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang malawakang pagrerehistro ng National ID sa Oktubre 12, 2020.
Ayon kay PSA Assistant Secretary Rose Bautista, limang milyong indibidwal mula sa 32 probinsya ang target nilang maiparehistro.
Aminado ang opisyal na malaking hamon ang proseso ng pagrerehistro sa gitna ng banta ng COVID-19.
Pero pagtitiyak niya, magiging ligtas ang proseso at tatalima sila sa health protocols.
Aniya, magbabahay-bahay muna ang mga kawani ng ahensya para sa interview at pre-registration ng targeted respondent saka sila papupuntahin sa registration center para kunan ng biometrics.
Kasabay nito, hinimok niya ang publiko na huwag matakot na ipagkatiwala ang mga personal nilang impormasyon sa PSA dahil malaking tulong ang pagkakaroon ng national ID para mapadali ang mga transaksyon at pagkuha ng serbisyo gobyerno.