Malawakang pagsibak sa mga empleyado ng ARMM sa ilalim ng Bangsamoro Government itinanggi ng BTC

Pinawi ngayon ni Bangsamoro Transition Commission BTC Commissioner Maisara Latiph ang agam agam at pangamba ng halos 33 libong mga kawani ng Autonomous Region in Muslim Mindanao na di umanoy mawawalan ng trabaho sakaling papasok na ang Bangsamoro Government.

Hindi aniya basta bastang mawawalan ng trabaho ang mga ARMM employees sa halip ay magpapatuloy alinsunod sa nilalaman ng Bangsamoro Basic Law dagdag ni Commisioner Latiph sa naging panayam ng RMN Cotabato.

Taliwas sa naunang lumabas na balita at mga ispekulasyon ng publiko nilinaw ni Latiph na mayroon aniyang Transition Plan na iimplementa ng Bangsamoro Transition Authority.
Magpapatuloy aniya ang serbisyo lalong lalo na ng mga eligible at mga kawalipikadong mga empleyado giit ni Latiph.


Iginiit ni Commisioner Latiph, sa ilalim ng mga proposals ng BBL ang pagbibigay proteksyon at seguridad sa kapakanan ng mga empleyado ng bubuwaging ARMM.

Kaugnay nito , binigyang diin pa ni Commisioner Latiph na maaring magdaragdag pa ng working staff o empleyado para pupuno sa mga tanggapan ng bagong itatayong Bangsamoro Government.

GGOGLE PIC

Facebook Comments