Malawakang power outage sa Panay Island at ilang bahagi ng Western Visayas, pinaiimbestigahan sa Kamara

Pinaiimbestigahan ni House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin sa kamara ang malawakang power outage sa Panay Island at ilang bahagi ng Western Visayas.

Giit ni Garin, kailangang managot ang nasa likod ng kapabayaan sa pagpapanatili ng maaasahang suplay ng kuryente sa rehiyon.

Hindi katanggap-tanggap para kay Garin ang malalang epekto sa kabuhayan at sa ekonomiya ng naturang blackout lalo na sa mga maliliit na negosyo tulad ng mga kainan at nagtitinda sa palengke.


Bunsod nito ay iginiit ni Garin sa Department of Energy (DOE) at sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magpatupad ng agarang solusyon sa power outage situation sa Western Visayas.

Facebook Comments