Kasado na ngayong araw ang malawakang kilos-protesta ng mga healthcare worker sa bansa.
Ito ay para igiit ang mga benepisyong ipinangako sa kanila ng pamahalaan na hindi pa rin naibibigay sa gitna ng tumitinding sitwasyon sa COVID-19 pandemic.
Tiniyak naman ng mga healthcare workers na hindi maa-abandona ang kanilang mga pasyente kapag isinagawa na ang mga protesta.
Ito ay dahil sa kasagsagan naman ng break time ito mangyayari.
Lahat naman ng mga medical workers na hindi lalahok sa rally ay mayroong tanda sa kanilang kamay bilang pagsuporta sa gawain.
Una nang tiniyak ng Department of Health (DOH) na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para maibigay ang mga nararapat na benepisyo ng mga healthcare workers.
Facebook Comments