Malawakang protesta ng mga Healthcare workers, kasado na sa September

109

Kasado na sa unang araw ng Septyembre (September 1) ang gagawing malawakang protesta ng mga healthcare workers dahil sa delay ng pagbibigay ng mga benepisyo ng gobyerno.

Ito ay kahit naipalabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P311.79 million para sa Special Risk Allowances (SRAs) ng mga health workers sa pampubliko at pribadong ospital.

Ayon kay Alliance of Health Workers (AHW) President Robert Mendoza, bigo pa ang DOH na maipalabas ang P38,000 halaga ng meal at transportation allowance na gagamitin sana mula December 2020 hanggang June 2021


Hiwalay pa ito sa P3,000 buwang active duty hazard pay para sa mga Health workers.

Facebook Comments