Malawakang reporma sa water sector, iginiit ng isang senador

Iginiit ni Senator Sonny Angara ang malawakang reporma sa water sector upang matiyak na tuluy-tuloy at hindi magkakaproblema ang suplay ng tubig sa buong bansa.

 

Pahayag ito ni Angara sa harap ng krisis sa tubig na nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng kamaynilaan at sa karatig lalawigang Rizal na sakop na operasyon ng Manila Water.

 

Dahil dito, ay ipinanukala ni Angara ang pag-amyenda sa 43-taon nang water code of the Philippines o ang PD 1067 na isinabatas noon pang panahon ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos.


 

Ayon kay Angara, layunin ng pag-amyenda na mas mapalakas ang kapangyarihan ng nasabing batas at matiyak na mareresolba nito ang mga pangangailangan o problema sa tubig ng buong bansa.

 

Ipinaliwanag ni Angara na dati ay wala tayong climate change, wala tayong El Niño pero iba na ang panahon natin ngayon kaya hindi na angkop ang batas.

 

Ipinunto ni Angara na kada taon, ay tumitindi ang tagtuyot, lumalala ang climate change at patuloy ang pagdami ng ating populasyon kaya mas tumitindi ang pangangailangan sa tubig.

Facebook Comments