Malawakang rigodon, muling nakaumang sa PNP

Nakatakdang magpatupad ng malawakang balasahan ang Philippine National Police (PNP).

Ito mismo ang kinumpirma ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., kung saan ito ay bunsod ng nabakanteng pwesto ni PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Rhodel Sermonia na nagretiro na noong Biyernes.

Sa ngayon, wala pang papalit sa pwesto ni Sermonia pero kasama sa mga matutunog na pangalan na papalit sa opisyal ay si Police Lt. Gen. Michael John Dubria na Deputy Chief for Operation at No. 3-man ng PNP.


Matunog din si Police Lt. Gen. Emmanuel Peralta na Chief Directorial Staff at No. 4-man ng PNP.

Sakaling umakyat ang dalawa sa pwesto, palaisipan naman sa kung sino ang aakyat bilang The Deputy Chief of Staff (TCDS).

Una nang sinabi ni Acorda na maraming bakante ngayon para sa promosyon ng mga pulis.

Pinag-aralan na rin ng Directorate for Personnel and Record Management ang pagpupwesto ng mga opisyal sa mga bakanteng puwesto sa Pambansang Pulisya.

Facebook Comments