Target ng Philippine Red Cross (PRC) na makapagsagawa ng malawakang roll-out sa unang araw ng Pebrero para sa saliva RT-PCR test.
Kasunod ito ng pag-apruba ng Department of Health (DOH) noong nakaraang linggo sa saliva o laway bilang pamalit sa specimen para sa COVID-19 tests.
Ayon kay PRC Chairman and CEO at Senator Richard Gordon, nakapagbukas na sila ng mga machines sa Manila at Mandaluyong para sa nasabing saliva test.
Nagkakahalaga ito ng 2,000 pesos, mas mura kumpara sa RT-PCR swab test.
Sa ngayon, mayroon nang 13 molecular laboratories na nasa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas.
Facebook Comments