MANILA, PHILIPPINES – Nagsimula na ang malawakang kilos protesta ng ilang transport group sa bansa.
Ito’y para tutulan ang pag-phase out ng mga lumang jeep na nasa labing limang taon, pataas.
Sa interview ng RMN sa presidente ng stop and go coalition na si Jun Magno, sinabi nitong hindi man lang nagkaroon ng maayos na pag-uusap ang gobyerno sa kanilang hanay.
Giit nito, hindi man lang kinuha ang kanilang panig o saloobin sa programang ito para malaman ng pamahalaan na libo-libong driver ang maaapektuhan nito na tanging ito lamang ang pinagkukunan nila ng ikabubuhay.
Sabi ni Magno, maaring umabot ng hanggang gabi ang ikinakasa nilang protesta.
Samantala, pagkatapos ng araw na ito posible pa silang magkasa ng mas malaki at organisadong kilos protesta.
Sa pagtaya ni magno, nasa 80 hanggang 90 porsyento mapaparalisa nila ang public transportation sa bansa, ngayong araw.