Opisyal na inilunsad sa apat na barangay sa San Nicolas ang malawakang Veterinary Medical Mission na naglalayong palakasin ang kalusugan ng hayop at suportahan ang mga lokal na magsasaka.
Mga barangay ng San Roque, Nagkaysa, Sobol, at San Felipe West ang nabenepisyuhan ng nasaing programa at magpapatuloy hanggang Nobyembre.
Sa apat na barangay, 69 pet owners ang nakinabang habang nasa kabuuang 125 na baka ang nabigyan ng deworming, 99 sa kambing at tupa, at 5 kalabaw naman ang binigyan ng bitamina at gamot.
Ayon sa Municipal Agriculture Office, inaasahang mas maraming barangay ang makikinabang sa programa habang nagpapatuloy ang misyon.
Magtatagal ang veterinary medical mission sa bawat barangay hanggang sa katapusan ng Nobyembre.
Facebook Comments









