Malawakang voter education campaign, ikakasa ng Comelec sa susunod na buwan

Nakatakdang magsagawa ang Commission on Elections (Comelec) ng malawakang voter education campaign.

Ito’y gagawin sa susunod na buwan para ipakita ang paggamit ng automated counting machines (ACMs) sa mga stakeholder bago ang 2025 midterm elections.

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, hindi bababa sa 2,000 ACMs ang naipamahagi sa lahat ng barangay sa bansa.


Aniya, paghahanda ito ng Comelec sa isang roadshow caravan na nakatakda mula Disyembre 2, 2024 hanggang Enero 30, 2025.

Sinabi ni Garcia, iikot ang Comelec upang mai-demo at maranasan ang mga makina gayundin upang malaman ng publiko kung paano gagamitin.

Halos kumpleto naman na ang mga ACM na nai-deliver ng Miru System sa Comelec kung saan sasailalim sa hardware acceptance tests ang mga ito maging ang iba pang parte upang masiguro na maayos at gumagana ang lahat.

Facebook Comments