Matapos ang mahigit limang taon ay muling nakapagtala ng kaso ng polio sa Africa.
Ayon sa World Health Organization, na-detect ang wild poliovirus type 1 sa isang bata sa Lilongwe, Malawi.
Lumalabas naman sa pagsusuri ng laboratoryo na nauugnay ang strain sa sakit na kumakalat ngayon sa Sindh Province sa Pakistan.
Sa kabila nito, sinabi ng WHO na hindi nito naaapektuhan ang wild poliovirus free certification status ng African region.
Nabatid na Agosto 2020 lang nang ideklarang malaya mula sa nakahahawang sakit ang Africa.
Samantala, ayon kay WHO Africa regional director Matshidiso Moeti, gumagawa na sila ng aksyon para mapigilan ang posibleng pagkalat ng polio sa rehiyon.
Nakikipagtulugan na ang WHO sa Malawi sa pagsasagawa ng risk assessment at pagtugon sa outbreak kabilang ang dagdag na pagbabakuna.
Mahigpit na ring binabantayan ang posibleng pagpasok ng sakit sa mga katabi nitong bansa.