Malay LGU, nilinaw na pito lamang ang nasawi sa pagtaob ng Dragonboat sa Boracay

Nilinaw ng Malay Local Government Unit (LGU) na pito lamang at hindi walo ang namatay sa pagtaob ng Dragonboat sa isla ng Boracay.

Nakaligtas sa aksidente sa laot si Von Navarossa na unang napasama sa listahan ng mga nasawi.

Ayon kay Phil. Coast Guard (PCG) Spokesperson, Capt. Armand Balilo, 21 ang sakay ng Dragonboat na nagsasanay para sa sasalihang International Competition sa Taiwan sa Nobyembre.


Pagtataka nila kung bakit may mga nalunod gayung sanay dapat ang mga ito sa paglangoy at mga miyembro pa ang mga ito ng Dragonboat team.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon.

Facebook Comments