Malaya Rice Project, ikinasa ng Kamara at DSWD bilang tugon sa deriktiba ni PBBM na mamahagi ng tulong at bigas

Magsasanib-puwersa ang mga miyembro ng House of Representatives at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamimigay ng tig-P1,000 at 15 kilong bigas na nagkakahalaga ng P500 hanggang P600.

Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa ilalim ito ng “Malaya Rice Project” na tugon sa hangad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na matulungan ang mga nangangailangan.

Sabi ni Romualdez, 33 mga kongresista sa National Capital Region (NCR) ang makikibahagi sa pagsisimula ng proyekto sa tulong ni DSWD Sec. Rex Gatchalian.


Binanggit ni Romualdez, ang naturang programa ay sisimulan sa Metro Manila at susundan ng iba pang mga lugar sa bansa kung saan tinataya na kabuuang 2.5 milyong mga mahihirap na pamilya ang makikinabang kasama ang mga senior citizens, solo parents at persons with disability.

Facebook Comments