MALAYANG PINAS | Pagsusulong ni PRRD ng ‘independent Philippines’, pinuri

Manila, Philippines – Pinuri ni Chinese President Xi Jinping si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagsusulong nito ng malayang Pilipinas at pagpapabuti ng relasyon nito sa China.

Pinasalamatan ni Xi si Duterte sa pag-iimbita sa kanya sa Pilipinas na tanyag sa magagandang tanawin, mayaman sa resources at pagiging magiliw sa mga bisita o hospitable.

Binanggit din ni Xi ang pagkakaroon ng lahing intsik ng ating bayaning si Gat. Jose Rizal.


Ipinunto rin ni Xi ang gumagandang relasyon ng dalawang bansa simula nang umupo bilang Pangulo si Duterte noong 2016.

Ipinaalala rin ng Chinese leader ang maritime silkroad ng Pilipinas at China.

Sa ilalim ng maritime silk road, ang mga mangangalakal galing sa China ay pumupunta sa Pilipinas para i-trade ang dala nilang silk, porcelain, at tea sa mga perlas at sea products ng bansa.

Facebook Comments