Malaysia at Thailand, kasama na rin sa mga bansang may travel ban – Palasyo

80

Inaprubahan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na isama ang Malaysia at Thailand sa listahan ng bansang may travel ban ang Pilipinas.

Sa anunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi na muna pwedeng papasukin sa Pilipinas ang sinumang indibidwal na nagmula sa dalawang bansa sa nakalipas na 14 araw.


Magsisimula ang travel ban alas 12:01 ng hatinggabi sa Linggo, Hulyo 25 at magtatapos sa Hulyo 31 alas 11:59 ng gabi.

Sa kasalukuyan, nasa higit 439,000 ang kabuuang COVID-19 cases sa Thailand habang nasa 952,000 naman ang mga kaso sa Malaysia.

Facebook Comments