Nais ng gobyerno ng Malaysia na isailalim sa pagsasanay ang kanilang Filipino counterparts sa industriya ng Halal at Islamic banking.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isa ito sa nabigyang diin sa kanilang bilateral meeting ni Prime Minister Anwar Ibrahim.
Sa joint statement, sinabi ng pangulo na inalok ng Malaysia ang kanilang expertise sa paggawa ng halal foods kasama ang pagsasanay na gagawin sa mga personnel at opisyal ng Pilipinas.
Para sa pangulo, malaking tulong ito para mapahusay ang Southern Philippines partikular na ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) lalo na ang pag-unlad ng Halal industry sa rehiyon.
Naniniwala ang presidente na ang bagay na ito ay isang paraan para lalo pang mapaganda ang relasyon ng Pilipinas at Malaysia.