Malaysia, isinailalim na sa nationwide lockdown matapos tumaas ang kaso ng COVID-19

142

Nagpatupad na ng nationwide lockdown ang Malaysia dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa ilalim ng total lockdown, ang mga supermarket at medical clinic lamang ang pinapayagan ng lokal na pamahalaan na magbalik operasyon.


Nabatid na umabot sa higit 570,000 ang kaso ng COVID-19 sa Malaysia nitong nakaraang linggo habang 2,800 ang nasawi.

Tinataya namang anim na porsyento pa lamang ng populasyon ng bansa ang nabakunahan kontra COVID-19.

Facebook Comments