Malaysia, umangat ang pwesto sa ICC

Umangat ang Malaysia bilang ika-123 miyembro ng International Criminal Court (ICC).

Ito ay matapos maging epektibo ang pag-alis ng Pilipinas sa Hague-Based Body.

Ayon sa Malaysia Foreign Ministry, ang pagsali sa ICC ay sumasalamin sa kanilang commitment na labanan ang international crimes para sa global peace and security.


Handa ang Malaysia na makipagtulungan sa lahat ng state parties upang maitaguyod ang prinsipyo ng katotohanan, karapatang pantao, rule of law, fairness at accountability.

Sinabi naman ni ICC President Chile Eboe-Osujisaid – ang pag-angat ng Malaysia sa Rome Statute at tanda ng pagkikilala ng bansa sa kahalagahan nito at ng ICC.

Maliban sa Malaysia, dalawa pang bansa sa Southeast Asia ang state parties ng Rome Statute – ang Cambodia at ang Bangladesh.

Nabatid na umaklas ang Pilipinas sa ICC dahil sa pagdetermina nila kung mayroong “reasonable basis” para ituloy ang imbestigasyon sa war on drugs ng Duterte administration para sa posibleng paglabag sa crimes against humanity.

Facebook Comments