Malaysian actress Carmen Soo, nakiisa sa panawagan para sa ABS-CBN franchise renewal

646
(Screenshot from micodelrosario1 Instagram video)

Nakiisa ang dating Kapamilya actress Carmen Soo ng Malaysia sa panawagan ng renewal of franchise ng ABS-CBN.

Nitong Miyerkules, bago ang mangyayaring botohan sa House panel, isa ang aktres sa nagbigay ng pahayag bilang patunay umano ng mga naitulong ng network hindi lang sa bansa kundi abroad.

Aniya, “During my time working with ABS-CBN through our project, everyone in the Philippines was exposed to the beautiful country of Malaysia, and everyone in Malaysia were able to see the beautiful country of the Philippines.”

Dagdag niya, nagbigay ng mukha para sa mga Pilipino abroad ang ABS-CBN.

“ABS-CBN has provided information, education, entertainment, and joy to Filipinos in the Philippines, outside, and not to mention, all the Kapamilya fans all over the world,” sabi niya.

Giit ng aktres, buo ang kanyang suporta sa pag-apela na muling payagan sa operasyon ang ABS-CBN.




“I am in full support of the appeal to allow ABS-CBN to operate again. I hope that the powers that be will make this happen,” saad ni Soo.

Bago pa man ang nasabing video, una nang ipinakita ng aktres ang suporta sa network nang ibahagi niya sa social media ang isang liham mula sa Star Magic founder na si Johnny Manahan sa Kongreso.

Hinikayat din niya ang kapwa Kapamilya na maging malakas sa gitna ng pagsubok na pinagdaraanan ng network.

Taong 2009 nang makatambal ni Soo ang aktor na si Jericho Rosales sa hit drama na “Kahit Isang Saglit”.

Napanood na rin siya sa ilang Kapamilya shows gaya ng “It’s Showtime” at “Maalala Mo Kaya.”

Facebook Comments