Malaysian Air Force, tumutulong na rin sa paghahanap sa nawawalang ambulance aircraft sa Palawan

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na tumutulong na rin ang Malaysian authorities sa paghahanap sa nawawalang air ambulance sa Palawan.

Ayon sa CAAP, nagsanib-pwersa na ang Malaysian Police Airwing Department, Malaysian Air Force at Malaysian Coast Guard sa paghahanap sa nawawalang Yellow Bee.

Sentro ngayon ng search and rescue operations ng Malaysian authorities ang bahagi ng boundary ng Pulau Banggi at Balabac sa Sabah, Malaysia.


Tiniyak naman anila ng Malaysian rescuers na hindi sila papasok sa teritoryo ng Pilipinas.

Lima ang lulan ng helicopter ambulance nang mawala ito noong Miyerkules matapos na magsundo ng pasyente sa Mangsee Island kahapon ng umaga.

Kabilang sa sakay ng chopper ang isang pilot,isang nurse,isang pasyente at dalawang kasama ng pasyente.

Nawalan ng signal ang air ambulance habang patungo sa Brooke’s Point, Palawan.

Facebook Comments