Malaysian government, tutulong na rin sa relief and recovery efforts sa mga naapektuhan ng lindol sa Cebu

Nagpaabot ng pakikiramay si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim at ang Malaysian government sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Cebu at mga karatig na lalawigan.

Sa kanyang Facebook post na ibinahagi ng Philippine Embassy sa Malaysia, nagpaabot ng pakikiisa ang Malaysia sa Pilipinas at tiniyak ng Malaysian prime minister na tutulong ito sa relief and recovery efforts sa mga sinalanta ng bagyo.

Ipinaabot naman ng Embahada ng Pilipinas ang pasasalamat nito kay Prime Minister Anwar.

Facebook Comments