Manila, Philippines – Inaresto ng Bureau of Immigration ang isang Malaysian na nagtangkang pumasok sa bansa gamit ang pekeng Taiwanese passport
Kinilala ang trenta anyos na Malaysian na si Yap Kean Hwa, na nagpakilalang Tsou Chang Chen.
Ayon sa BI, may natanggap silang impormasyon na si Yap ay isang fugitive at wanted sa Malaysia.
Kinumpirma rin ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) sa Manila na ang Taiwanese passport ay ninakaw noong 2017 at inisyu ito sa iba’t ibang tao.
Si Yap ay nakakulong ngayon sa BI Detention Facility sa Taguig at siya ay sasampahan ng kaso dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Law.
Facebook Comments