Malaysian PM Mahathir Bin Mohamad, bibisita sa bansa bukas

Bibisita sa bansa bukas (March 6) si Malaysian Prime Minister Mahathir Bin Mohamad para sa kanyang dalawang araw na official visit.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – opisyal na sasalubingin ni Pangulong Duterte ang 93-year old Malaysian leader sa Malacañang sa Huwebes (March 7).

Inaasahang magkakaroon ng bilateral meeting ang dalawang lider kung saan tatalakayin ang political and economic cooperation, people-to-people spheres at palitan ng pananaw hinggil sa paksang patungkol sa mutual importance.


Sinabi rin ni Panelo na maari ring pag-usapan ang claim ng Pilipinas sa Sabah.

Ang official visit ni Mohamad ay kasunod ng pagbisita ni Pangulong Duterte sa Malaysia noong Hulyo ng nakaraang taon kung saan ginaganap ang laban ni Manny Pacquiao at Lucas Matthysse.

Facebook Comments