Malaysian PM Mahathir Mohamad, suportado ang pagkakatatag ng BARMM

Manila, Philippines – Kumbinsido ni Malaysian Prime Minister Mahatir Mohamad na lalago ang ekonomiya ng Pilipinas kasunod ng pagkakatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Kaya naman pinuri ni Mohamad si Pangulong Rodrigo Duterte sa matagumpay na ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Tiniyak din ni Mohamad na makikipagtulungan ang Malaysia sa Pilipinas para sa patuloy na pag-unlad ang dalawang bansa at makamit ang kapayapaan.


Pero sa kabila nito, hindi natalakay nina Pangulong Duterte at Prime Minister Mohamad ang isyu tungkol sa pag-aari ng isla ng Sabah na parehong inaangkin ng Pilipinas at Malaysia.

Facebook Comments