Malaysian Prime Minister Najib Razak, dumating na rin ng bansa para sa gaganaping ASEAN Summit 2017

Manila, Philippines – Bago mag-alas singko ngayong hapon dumating sa NAIA si Malaysian Prime Minister Najib Razak.

Ito ay para dumalo sa ASEAN Summit sa bansa.

Kabilang sa mga sumalubong kay Prime Minister Razak sina Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza at PH Ambassador to Malaysia Charles Jose.


Bukas naman ng hapon , araw ng Biyernes, sunud-sunod na dadating sa NAIA ang mga lider ng Cambodia, Indonesia, Vietnam, Myanmar, Thailand, Lao at Singapore.

Sa Sabado naman ng gabi ay sunud-sunod ang departures ng mga lider ng Vietnam, Myanmar, Thailand, Lao at Singapore; habang sa Linggo naman ng umaga, Abril a trenta ang departure ng mga pinuno ng Malaysia, Brunei, Cambodia at Indonesia.

Facebook Comments