Manila, Philippines – Kinumpirma ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año na kabilang sa mga 13 miyembro ng Maute ISIS group na nasawi sa matinding sagupaan kagabi sa Marawi City ay si DR Ahmad Mahmud ang Malaysian national na nagsisilbing financier ng teroristang grupo sa Marawi City.
Ayon kay General Año, kinumpirma mismo ito ng mga nailigtas na bihag ng Maute ISIS group.
Batay sa pahayag ng mga hostages si Mahmud ay namatay na kagabi at agad ding inilibing.
Kaya ngayon anya nakatutok ang tropa ng militar sa pagtukoy o paghahanap ng mismong labi ni Dr Mahmud sa main battle area sa lungsod ng Marawi.
Una nang sinabi ni Col. Romeo Brawner ang Deputy Commander ng Joint Task Force Ranao na sniper kills ang dahilan ng pagkamatay ng labing tatlong miyembro ng teroristang grupo.