MALI | Imbestigasyon ng PAO sa pagkamatay ng mga kabataang nabakunahan ng Dengvaxia, tatapusin na

Manila, Philippines — Nakatakdang tapusin ng Public Attorney’s Office (PAO) ang isinasagawa nilang imbestigasyon sa bangkay ng siyam na kabataang namatay matapos mabakunahan ng dengue vaccine na Dengvaxia.
Ayon kay PAO Chief Persida Rueda-Acosta, makikipagkita pa raw sila sa pamilya ng mga biktima para pag-usapan ang resulta ng forensic exam kung saan pagsasama-samahin nila ang resulta para suportahan ang imbestigasyon sa naturang kontrobersiya.
Ilalabas rin ng PAO ang resulta kapag nakumpleto na nila ang mga dokumento sa mga gumagawa ng pagsusuri.
Iginiit naman ni Acosta na mali ang pagturok ng naturang bakuna na sumasailalim pa rin sa clinical trial sa maraming kabataan dahil hindi nagpatupad ng screening.

Facebook Comments