MALI? | Interpretation ng seniority sa susunod na CJ, mali ayon kay Atty. Gadon

Manila, Philippines – Mali umano ang pakahulugan ng ilang senador sa binitawang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa seniority na batayan ng pagtatalaga ng mga lingkod bayan.

Ito ang ipinahayag Atty. Larry Gadon sa isang news forum sa Quezon City kasunod ng pinalulutang ni Senador Franklin Drilon na si Associte Justice Antonio Carpio ang dapat humalili kay CJ Teresita De Castro sa sandaling magretiro ito sa Oktubre sa dahilan na ito ang pinakasenior sa mga SC justices.

Aniya, ang ibig ipakahulugan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa seniority ay ang haba ng taon ng paglilingkod sa sangay hudikatura.


Kung haba ng taon sa judiciary ang pagbabatayan, mas senior si Associate Justice Lucas Bersamin na naka 32 years na mula sa pagiging piskal, RTC judge at mahistrado ng Sandiganbayan.

Susunod aniya dito si Associate Justice Diosdado Peralta dahil naka 24 years na siya sa judiciary.

Si Carpio aniya ay 17 years pa lamang sa judiciary.

Dati kasi aniya itong Presidential Legal counsel ni FVR bago naitalaga sa SC noong 2001.

Ang fearless forcast ni Gadon, si Bersanin o Peralta ang susunod na chief justice.

Facebook Comments