Maliban sa ‘fake rice’, pekeng ticket sa barko na-diskobrehan sa Cebu

327

Matapos kumalat ang mga balita tungkol sa ‘fake rice’ dito sa Cebu partikular na sa munisipalidad ng Sta.Fe, isla ng Bantayan, ibang peke na naman ang lumutang ngayon didto sa Cebu na may kinalaman sa mga tiket ng barko .

Ito’y matapos nakatanggap ang Maritime Industry Authority o MARINA region 7 ng reklamo galing sa isang pasahero ng barko na bumiyahe galing dito sa Cebu patungong Mindanao na diumano’y nakabili siya ng peke na tiket ng barko .

Matapos isinailalim ng MARINA-7 sa imbestigasyon ang naturang insidente, nalaman nila na peke talaga ang ticket at kinumpirma din ito ng shipping company .


Dahil dito, nanawagan ang MARINA ng region 7 sa publiko na bumili lamang ng mga ticket sa barko sa mga authorized ticketing centers para maiwasan ang mga fake tickets. ​

Facebook Comments