Maliban sa leeg, iba pang galos sa katawan ni Bree Jonson, nakita ng mga abogado ng pamilya nito; NBI, magsasagawa na rin ng autopsy sa labi

121

Mayroon pang ibang galos na nakita sa labi ng painter na si Briana “Bree” Jonson taliwas sa pahayag ng mga imbestigador mula sa Police Regional Office 1 ng Philippine National Police (PNP).

Ayon sa Sunga, Salandanan and Ampuan Law Office na kumakatawan sa pamilya ni Jonson, indikasyon ang mga sugat na nanlaban ang biktima dahil maliban sa leeg ay nakita ito sa ibang parte ng kaniyang katawan.


Kung mapapatunayang totoo ang nakita ng law office, posibleng maging daan ito para maiakyat sa homicide ang kaso at magiging suspek ang boyfriend ni Jonson na si Julian Ongpin.

Sa ngayon, nakalaya na si Ongpin dahil sa kawalan ng ebidensiya sa pagkamatay ng nobya.

Hindi pa inilalabas ang opisyal resulta ng autopsy ng PNP pero paliwanag ng abogado ng pamilya ni Jonson, magsasagawa rin ng ikalawang autopsy sa labi ng babae ang National Bureau of Investigation (NBI).

Samantala, inilabas na ng PNP ang CCTV footage kung saan huling nakitang magkasama si Jonson at Ongpin sa labas ng kanilang tinutuluyang kwarto pero walang nakitang panlalaban sa biktima.



Facebook Comments