MALICIOUS PROSECUTION | Kampo ni dating DOH Secretary Garin, magsasampa ng kaso laban sa PAO kasunod ng criminal case nito

Manila, Philippines – Plano ngayon ng kampo ni Dating Health Secretary Janette Garin na sampahan ng kasong Malicious Prosecution ang Public Attorney’s Office.

Ito ay kasunod ng pagsasampa ng kaso ng PAO ngayong araw laban sa 35 respondents kaugnay sa pagkamatay ng ilang batang naturukan ng Dengvaxia, kung saan kabilang ang pangalan ni Garin.

Ayon sa dating Health Secretary, walang basehan ang reklamong ito ng PAO.


Mismong ang dengue expert na aniya na si Dr. Scott Halstead, ang nagsabi na walang relasyon ang Dengvaxia vaccine sa Neurotropism at Viscerotropism.

Ayon kay Garin, dapat nang tigilan ang hysteria na ito dahil lalo lamang natatakot ang publiko, at nalalagay sa alanganin ang Immunization Program ng DOH.

Mas ngayon aniya kailangang suportahan ang Department of Health at si Health Secretary Francisco Duque.

Facebook Comments