Tinanggal ng Facebook at pinatawan pa ng sanctions ang mga administrators ng mga account na sangkot sa malisyosong pagta-tag ng mga adult-rated contents.
Ayon sa Department of Justice Office of Cybercrime (DOJ-OOC), nakatanggap sila ng kumpirmasyon mula sa Facebook APAC Legal Law Enforcement Outreach na ang mga page na konektado sa malicious tagging ay binura na.
Hinihikayat nila ang mga netizen na isumbong ang mga ganitong insidente sa DOJ-OOC para agad na maaksyunan.
Sakaling magkaroon ng notification sa Facebook na “tagged you in a post” na naglalaman ng link sa isang adult content, huwag na itong i-click at sa halip ay i-report na ito.
Sa ilalim ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, ang transmission ng virus o malwares na makakaapekto sa computer systems ay ipinagbabawal.