London – ‘Star-studded’
Ganito ipinagdiwang ang ika-92 kaarawan ni Queen Elizabeth ng Britanya na itinuturing na World’s Oldest and Longest Reigning Living Monarch.
Tampok sa selebrasyon ang pag-awit ni Tom Jones ng kanyang hit na ‘It’s Not Unsual’.
Nakita ring dumalo sina Kylie Minogue, Sting, Ladysmith Black Mambazo at Shaggy.
Bago magtapos, sinamahan ang reyna ng kanyang anak na si Prince Charles at nanguna sa ‘cheers’ mula sa audience.
Ang naturang event ang bumasag sa tradisyong kung saan pribado lamang ipinagdiriwang ni Queen Elizabeth ang kanyang kaarawan.
Facebook Comments