MALIGAYANG KAARAWAN | Pangulong Duterte, walang engrandeng Birthday celebration pero mga pagbati, bumuhos

33

Manila, Philippines – Bagamat walang engrandeng selebrasyon, bumuhos ang pagbati kay pangulong rodrigo duterte na nagdiriwang ng kanyang ika-73 kaarawan ngayong araw.

Sa kanilang birthday message para kay Pangulong Duterte, nananawagan sina Special Assistant to the President Bong Go, Presidential Spokesperson Harry Roque, at Communications Secretary Martin Andanar sa mga Pilipino na ipagdasal ang Pangulo para magtagumpay sa kanyang mga nais na pagbabago sa bansa at mapagkalooban pa ito ng biyaya at pagpapala sa kanyang buhay.

Kabilang din sa ipinagdarasal ng mga nasabing opisyal ang mahabang buhay, magandang kalusugan at dunong sa pagtanda ng pangulo.

Magandang kalusugan rin ang hiling nina Defense Sec. Delfin Lorenza at DILG OIC Usec. Eduardo Año Para Kay Duterte.

Habang tiniyak naman ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa ang suporta ng PNP sa Pangulo sa hangarin niyang maging drug-free na ang Pilipinas.

Facebook Comments