MALIIT ANG EPEKTO | DTI, tiniyak na hindi maapektuhan ng lubos ng TRAIN law ang presyo ng mga pangunahing bilihin

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi gaano gagalaw ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ito’y kasunod ng pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.

Ayon kay – maliit lamang ang magiging epekto sa presyo ng basic at prime commodities ang karagdagang buwis sa presyo ng petrolyo.


Ang 2.50 pesos na pagtaas sa kada litro ng diesel ay 0.35% increase lamang sa distribution cost ng mga manufacturer at producer.

Nakahanda na rin ang monitoring at price inspection team ng DTI para aksyunan ang overpricing sa mga pamilihan.

Panawagan ng DTI sa publiko na makiisa at tumulong sa pagre-report ng mga pamilihan o tindahang mananamantala sa ipinapatupad na excise tax.

Facebook Comments