Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang apong si Isabelle Duterte matapos batikusin dahil sa photo shoot na ginawa sa Malacañang para sa kanyang debut.
Ayon sa pangulo, maliit na bagay lamang ang pagpapakuha ng larawan sa Malacañang ng kanyang apo lalo’t kadugo naman niya ang dalagita.
Aniya, lahat naman aniya ng mga bumibisita sa palasyo ay nagpapa-picture.
Sinabi naman ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assitant Secretary Mocha Uson na naaawa siya kay Isabelle dahil kung batikusin ay tila nakapatay ng tao.
Tanong ni Uson, mayroong bang pera ng bayan na nalustay sa ginawa nito at kung may nalabag bang batas hinggil rito.
Aniya, apo naman ng pangulo si Isabelle kaya’t bigyan ng konting pag-unawa.