Hindi hadlang ang kakaunting bilang ng minorya para mapatalsik si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang pahayag ni Vice President Leni Robredo makaraang sabihin ng Malacañang na malabong ma-impeach ang pangulo dahil sa dami ng kaalyado nito sa kongreso.
Matatandaang lumutang ang bantang impeachment case matapos na payagan ni Pangulong Duterte na mangisda sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa ang China na umano’y labag sa konstiusyo, gayundin ang mga pahayag nito hinggil sa territorial dispute sa West Philippine Sea.
Giit ni Robredo, hindi lang mambabatas ang dapat na magdesisyon hinggil sa impeachment kundi maging ang taumbayan.
Ayon naman kay Senator Bong Go, karapatan ng sinuman na magsampa ng impeachment complaint pero giit niya, para sa kapakanan ng bansa ang ginagawa ng pangulo.
Maging si Senator Imee Marcos, walang nakikitang dahilan para mapatalsik ang pangulo.
Kapansin-pansin naman na tahimik pa ang mga mambabatas sa usapin ng impeachment sa unang araw ng 18th Congress kahapon.
Matatandaang nagbabala si Pangulong Duterte na ipakukulong niya ang sinumang magsasampa ng impeachment complaint laban sa kanya.