Manila, Philippines – Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines na hindi dapat magpakakampante ang lahat sa balita na maliit nalang ang bilang ng mga terorista sa Marawi City.
Ito ang sinabi ng AFP sa harap narin ng impormasyon na nasa 20-40 miyembro nalang ng Maute Terror Group ang nasa lungsod.
Ayon kay AFP Spokesman Brigarier General Restituto Padilla, kahit maliit nalang ang bilang ng mga kalaban ng pamahalaan sa Marawi City ay dapat parin magingat ang lahat dahil maaari paring makapanakit ang mga ito.
Paliwanag ni Padilla, may mga baril parin naman ang mga terorista at sapat pa ang mga bala ng mga ito.
Bukod pa aniya dito ay may hawak pang mga bihag ang Maute kaya hindi sila nagpapadalos-dalos sa paggalaw.
Matatandaan naman na sinabi din ni Padilla na mahigpit ngayon ang pagbabantay ng puwersa ng Pamahalaan sa lungsod upang hindi na mapakag reinforce ang terorista sa Marawi City.
Maliit na bilang ng Maute sa Marawi City, isa pa ring banta ayon sa AFP
Facebook Comments