Maliit na sweldo at kawalan ng OT pay, hindi maaring idahilan sa pagpasok sa katiwalian ng mga taga-BI

Katulad ni Senator Risa Hontiveros ay hindi rin katanggap-tanggap para kay Senator Panfilo “Ping” Lacson ang rason na maliit ang sweldo at walang overtime pay ang mga taga-Bureau of Immigration o BI kaya nabuo ang ‘pastillas’ modus.

Sa naturang modus ay tumatanggap sila ng suhol para maging maluwag ang pagpasok ng mga Chinese nationals sa bansa.

Giit ni Lacson, hindi ang mababang sweldo ang dahilan ng ‘pastillas’ scam kundi ang pagkagahaman at kasakiman ng ilang taga-gobyerno na nabigyan ng poder at otoridad.


Katwiran ni Lacson, nang pumasok sa gobyerno ang mga taga-BI ay alam na nila na mababa ang sweldo at mga benepisyo kaya talagang may sakripisyo sa kanilang hanay.

Ginawa ni Lacson ang pahayag kasunod ng paghingi ngayon ng mga kawani ng BI ng dagdag na sahod dahil ang 22-thousand pesos na buwanang sweldo ng Immigration Officer 1 ay lubha raw napakababa kumpara sa kanilang counterpart sa ibang bansa sa South East Asia.

Facebook Comments