Natikman mo na ba ang leche flan na gawa sa kalabasa?
Isa lamang ito sa mga kakaiba ngunit masustansyang pagkaing tampok sa ginanap na pagtitipon sa Calasiao bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month.
Ang mga simpleng sangkap na madalas lamang nating nakikita sa likod bahay tulad ng malunggay, labong, kamansi, at kalabasa ay ginawan ng kakaibang paraan ng pagluluto.
Ang resulta ay paboritong putahe ng marami gaya ng bola-bola, lumpia, sweet and sour, at leche flan ngunit hindi mo aakalain na gulay ang sangkap ng mga ito.
Para sa maraming magulang malaking hamon na mapakain ng gulay ang kanilang mga anak. Kaya’t naging kapaki-pakinabang at inspirasyon ang mga ideyang ibinahagi sa komunidad lalo’t mahalaga na masarap at masustansya ang inihahain sa hapag kainan para sa pamilya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









