Malaki ang naipapasok ng design industry ng bansa sa ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nasa 7.1% hanggang 7.2% ang napapasok ng industriya sa gross domestic product ng bansa o katumbas ng trilyong-trilyong piso.
Kaya naman gagawin aniya ng pamahalaan ang lahat para maipakilala sa mundo ang galing at pagiging malikhain ng mga Pilipino.
Giit ng pangulo, magiging large-scale enterprises ang maliliit na local furniture businesses sa oras na ipasok sila ng Department of Trade and Industry (DTI) sa digital space upang maabot nila ang world market.
Welcome aniya sa pangulo na makita ang pagsulong ng Philippine design community na ngayon ay maituturing nang world-class.
Facebook Comments