Wednesday, March 25, 2026

Maliliit na negosyo, e-vehicles, at renewable energy, tututukan sa ilalim ng energy emergency — PBBM

Pinahihigpitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin upang maiwasan ang biglaang pagtaas nito.

Bahagi ito ng Executive Order No. 110 na nagdedeklara ng state of national energy emergency dahil sa tumitinding tensyon sa Middle East.

Sa ilalim ng kautusan, palalakasin din ang suporta sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) at itutulak ang paggamit ng electric vehicles, renewable energy, at iba pang energy-efficient solutions para mabawasan ang pagdepende sa langis.

Inatasan din ang Department of Agriculture (DA) na siguraduhin ang sapat at abot-kayang suplay ng pagkain at mga gamit sa agrikultura.

Pinapayagan din ang pag-angkat ng pataba at iba pang agricultural inputs, kasabay ng pagpapatupad ng tulong tulad ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk (PAFF) at Quick Response Fund (QRF).

Facebook Comments